|
Marami nang kamalasan ang
nangyari sa akin this past week. Sobra. Heto nga, i-eenumerate ko pa:
1. Noong umaga ng Martes-- 10:00 ang first class ko. At anak ng tinapa, I overslept!
Ampf. Kagabi ba naman kasi, nag-aral ako para sa esaam namin sa Histo3. Napa-late
yung tulog ko, kaya ayun, hindi kinaya ng katawan ko na magising nang maaga.
Tsk. Nakaalis ako ng bahay 10 na. E jusme, sa Padre Faura, Ermita pa yung UP!
Mabilis na kung makarating ako dun nang isang oras lang ang nagdadaan.
Tuesday, August 14, unang absent ko sa klase.
Anak ng tinapa naman o.
2. Yung eksam namin sa Histo3?
....
TOXIC.
pota.
(Ganito kasi yung eksam: dalawa lang naman yung parte e. Una, true or false lang
daw. Amputek. Utot lang yun. Hindi nga modified, grabe naman sa ka-toxican
yung mga statements! Parang out-of-this world yung mga terms. Binigyan kasi
kami ng readings na halos one inch and a half yung kapal tapos long bond paper
pa tapos typewritten yung teksto. Tapos lahat ng nakasulat doon, kung hindi
pangalan ng isang tao, puro mga salitang banyaga na kailangang kabisaduhin.
Heto yung pangalawang parte, multiple choice-- matching type. Pero take note,
pagkakuha na pagkakuha pa lang namin nung questionnaire, sabi ni Sir, "For
the multiple choice, you may choose only 10 sets."
Syempre kamot ng ulo ang mga isko at iska; sabay lipat sa part 2 ng eksamin
para ma-browse.
TINAPA ULI!
Labintatlong sets ng matching type, fifteen items each! At hindi lang
yun, parang identification pa yata na halos tig-iisang salita lamang bawat
paglalarawan!
Sa mabuting palad, wala namang naubusan ng dugo sa amin. Hindi na ako nagtaka
sa mga nagpasa ng papel na mga estudyante na dinudugo na sa ilong.)
3. Gutom na ko pagdating ng break. Rob kami uli. Matapos ang ilang
tambling, nakarating na kami doon. Ayos, gusto ko ilibre ngayon sarili ko
pagkatapos nung eksam. Teka nga, maka-withdraw muna.
...
HOLY COW! Nacapture alive ang aking atm card!
Tinapa ng mga tinapa. Banas na banas na ko.
4. Pinapunta ako sa branch ng bangko sa may Kalaw para makuha card ko. Ampf.
Tamad na tamad pa naman ako.
Ayun, sa kasagsagan ng bagyo at baha, lumusong pa rin ako sa delubyo para lang
makuha card ko. Tsk. Pero pagdating ko doon, "Ay Ma'm, balik na lang po
kayo bukas kasi mukhang ma-lalate yung nagbukas ng atm doon e. Sorry
Ma'm."
!!!
Nako kung hindi lang pogi ka, nakipaggyera na ko sa bangko niyo.
5. Lumayas dalawa naming katulong. At tanga lang, ako yung nandito sa bahay
nung umalis sila.
"Bianca, punta lang kaming Riverbanks ha. Kunin mo muna 'tong susi para
ma-lock mo yung bahay pag-alis mo."
Yun. Yun ang mga last words nila sakin kaninang umaga pag-gising ko. Dahil mejo
bangag at kalahating-tulog pa ako nun, hindi ko na napansin yung mga gamit na
dala nila. Grabe lang. Antange ko talaga kanina.
So far, ang mga yan pa lang naman ang worst na nangyari sa akin noong
mga nakaraang araw (at kanina). Marami pa akong hindi nabanggit, pero hanggang
dyan na lang muna ako. Baka lalo lang ako ma-badtrip e.
Ay heto, mag-iiwan na lamang ako ng tanong na sagutin niyo. Nalaman ko kasi
yung sagot kanina sa prof ko. Either ignorante ako, o tanga lang talaga para
mapamangha noong sinabi sa amin yung trivia.
Bakit hindi bumibigat ang mundo anuman ang pagkarami ng mga taong nabubuhay
rito?
Let me hear your thoughts.
Cheers.
|